-- Advertisements --

Nanawagan ang nasa mahigit 200 milyonaryo sa buong mundo para sa pagpataw ng mas mataas na buwis sa mga itinuturing na “ultra-rich” individuals para sa kapakanan ng pagkalahatan.

Ito ang nakapaloob sa isang sulat para sa world leaders na dumalo sa 2023 World Economic Forum sa Davos, Switzerland na nilagdaan ng mga milyonaryo mula sa 13 mga nasyon.

Ilan sa mga lumagda sa sulat ay ang US actor na si Mark Ruffalo at American producer Abigail Disney, great-niece ng Walt Disney.

Bilang mga milyonaryo, ito aniya ay isang investment para sa common good at mas magandang kinabukasan.

Una ng iniulat ng non-government organization na Oxfam, lumobo pa sa 50% ang yaman ng mga itinuturong na pinakamayaman sa buong mundo sa nakalipas na dekada.