Lubos ang pasasalamat ng nasa 200 na maliliit na negosyante sa lungsod ng Muntinlupa matapos na makatanggap sila ng tulong.
Ito ay sa pamamagitan ng pagpapautang ng walang anumang interest sa mga maliit na negosyante na tinamaan ng pandemya.
Pinangunahan ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi ang turn-over ng loan assistance na nagkakahalaga ng P4.374 milyon sa 200 benepisaryo ng Tulong Negosyo.
May apat na nakatanggap ng P150,000 bawat isa, pito ang nakakuha ng P100,000 at limang benepesaryo ang nakatanggap ng tig-P75,000.
Ayon sa alkalde na patuloy ang kanilang financing program at umaasa siya na mabuhay ang local economy sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanila.
Tutulungan aniya nila ito sa pamamagitan ng local micro-entreprenuerus sa pamamagitan ng Joint Resource Financing Program (JRFP) Tulong Negosyo.
Ang nasabing lungsod ay siyang unang LGU na nagpakilala ng nasabing micro-financing program.
May tatlong kategorya ang nasabing programa gaya ng Simulang Kapital (SIKAP) Pangkabuhayan na may loan application nagkakahalaga ng P2,000 hanggang P5,000; Asenso Loan Program aabot sa P6,000 to P75,000; at Maunlad Loan Program na nagkakahalaga ng P75,000 to P150,000