Laking tuwa ng mga mangingisda sa Mapun, Tawi-Tawi matapos itong makatatanggap ng Family Packs mula sa Ministry of Social Services and Development ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao
Sa isang pahayag sinabi ng pamunuan ng Philippine Coast Guard Station Northern Tawi-Tawi na ang bawat isang family pack ay naglalaman ng mga essential goods.
Kagaya na lamang ng sampung kilong bigas at isang kahon ng delata.
Kabilang sa nakiisa sa naturang pamamahagi ay ang Philippine Air Force Tactical Operation Squadron, Mapun Maritime Special Boat Crew.
Nakibahagi rin ang 312th Marine Company Marine Battalion Landing Team-12 ang ang Municipal Police Station ng Mapun.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga mangingisda na nabigyan ng naturang family packs.