-- Advertisements --

DAVAO CITY – Aabot sa 277 contingents sa Parada Dabawenyo ang handa na sa parada bukas ng Marso, 18, ngayong taon na magsisimula ng alas sais ng umaga sa Roxas Avenue hanggang San Pedro Square Davao City.

Ayon sa organizer ng event na si Harold Quibete, marami nang pagsasaayos ang isinagawa ng Public Safety and Security Office (PSSO) at City Tourism Office upang matiyak na maayos na gaganapin ang Parada Dabawenyo ngayong taon.

Una nang sinabi ni Quibete na sa bawat contingent na lalahok, magkakaroon ng uniform na 4 by 10 size na banner para madali silang makilala.

Ayon kay Quibete, ang Parada Dabawenyo ay isang charter day sa lungsod ng Dabaw kung saan masasaksihan ng mga tao sa parada ang iba’t ibang “walks of life” dito sa Dabaw kabilang ang mga animal lover, motorcycle and car enthusiasts, Non-Government Groups, senior citizen, ahensya ng gobyerno at iba pa.