Aabot sa 130 na mga foreign delegations kasama ang 50 heads of state at 10 kasalukuyang mga monarchs ang dadalo sa libing ni Pope Francis.
Ayon sa Vatican na ang nasabing listahan ay maaring madagdagan pa hanggang sa araw ng Sabado.
Inanunsiyo rin ng Vatican na kanilang pinalawig ang oras ng public viewing sa labi ng yumaong Santo Papa.
Nakatakda sana kasi nilang tapusin ngayong gabi ng Biyernes ang pagpipila subalit dahil sa dami ng mga nais na masilayan ang Santo Papa sa huling sandali ay kanila itong pinalawig.
Magugunitang naging mahaba ang pila ng mga tao na galing pa sa ibang bansa para masilayan ang Santo Papa.
Sa loob pa lamang ng halos isang linggo ay nagtala na ang Rome ng mataas na bilang ng mga dayuhan at turista na bumibisita para sa masilayan ang labi ng Santo Papa.
Ayon sa mga opisyal ng Rome na maaring malagpasan ang bilang ng mga nakidalamhati noong pumanaw si Pope John Paul II noong 2005.