-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nakapagtala ng 219 na bagong kaso ng COVID 19 ang Isabela.

Batay sa datos ng Provincial Information Office umabot na sa 1,520 ang province wide ang active cases sa kasalukuyan.

Sa kabuoan ay mayroon ng 23,407 ang total accumulative cases, 5 ang panibagong nasawi kaya umakyat na sa 710 ang total COVID- 19 related deaths, habang umakyat naman sa 21,177 ang total recoveries matapos maitala ngayong araw ang 138 na bagong gumaling sa sakit.

Nangunguna ngayong sa may pinakamataas na kaso ang bayan ng Tumauini na may 53 na sinundan ng bayan ng Aurora na may 30,Gamu na may 14, Ilagan City at Ramon na mayroong tig-12 at Santiago na may 11.

Nakapagtala naman ng tig-10 ang mga bayan ng Roxas at Quezon, 9 sa Cabagan, tig-walo mula sa Angadanan, Luna at Cauayan City, tig-aapat sa Jones, Delfin Albano,Cabatuan,San Mateo, San Pablo, Sta. Maria, Tig-dalawa sa San Mariano, San guillermo at Alicia habang tig-isa naman sa Naguilian at San Isidro.

Zero COVID-19 cases naman ang mga bayan ng Benito Soliven, Burgos, Cordon, Dinapigue, Divilacan, Maconacon, Mallig, Palanan, Quirino, Reina Mercedes, San Agustin, San Manuel at Sto. Tomas.