CAUAYAN CITY- Pumalo na sa mahigit 200 road crash accident ang naitala ng tanggapan ng Santiago City Police Office Traffic Group Unit sa loob ng halos 4 na buwan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Col. Cleto Arnel Atluna, Hepe ng Santiago City Police Office Traffic Group Unit, sinabi niya na ibinahagi nito na nasa 211 ang kabuuang bilang ng aksidenteng naitala ng kanilang tanggapan simula noong Enero hanggang ngayong buwan ng Abril.
Aniya, pangunahin pa rin umano sa dahilan ng mga aksidente ay human rrror.
Ayon kay PLt. Col. Atluna, bagamat hindi araw araw na nakakapagtala ng aksidente ang kanilang tanggapan subalit may mga pagkakataon na sunod-sunod ang tinutugunan nilang aksidente sa loob ng isang araw.
Ayon kay Plt. Col. Atluna, karaniwan pa rin sa dahilan ng mga sa pagkakasangkot nila sa aksidente ay Human Error, miscommunication at violation sa traffic rules and regulations, kaya bilang tugon ay sinasamantala na nila ang mga pagkakataon na mapaalalahanan ang mga motorista sa pamamagitan ng malayang pamamahayag at sa tulong ng social media.
Nakikitang dahilan ng mga naitatalang aksidente ngayon ay ang maluwag na daan at kakaunting bilang ng mga sasakyang bumabaybay sa lansangan maliban pa sa pagiging lango sa nakalalasing na inumin ng mga motoristang nasasangkot sa aksidente.
Patuloy naman na pinag-iingat ng tanggapan ang lahat ng mga bumabaybay sa mga pangunahing kalsada sa lungsod pangunahin na tuwing maulan o masama ang panahon.