-- Advertisements --

WASHINGTON, DC – Pinagkalooban ng presidential lemency ni US President Joe Biden ang 2,500 inmates.

Pero ito ay pawang convicted ng non-violent drug crimes.

Ginawa iyon ng pangulo ng America, ilang araw bago pa man magtapos ang kanyang termino sa White House.

Ayon kay Biden, ang naturang mga indibidwal ay nagsisilbi na ng mahabang sentensya kumpara sa mga hatol na ipinapataw sa mga nagkakasala ngayon sa ilalim ng batas.

Kaugnay nito, ginawad ni Biden ang pardon at pinababa ang sentensya kung saan siya ang tanging pangulo ng Amerika na gumawa ng nasabing bagay.

Nabatid na noong Disyembre 2024, binabaan din ni Biden ng sentensya ng nasa 37 sa 40 federal inmates na nahaharap sa death penalty.

Ginawa na lang itong life imprisonment without parole.

Inanunsyo din niya sa kaparehong buwan ang pagbibigay ng pardon sa 39 na convicted ng nonviolent crimes at binabaan ang sentensya ng halos 1,500 na iba pa na nagsisilbi ng mas mahabang taon sa bilangguan.

Una nang pinuna ng ilan si Biden matapos bigyan ng pardon ang kanyang anak na si Hunter na guilty sa tax violations at na-convict sa firearms-related charges.

Samantala, hati naman ang reaksyon dito ng mga US nationals, lalo na ang mga naging biktima ng mga nagawang krimen ng mga nabigyan ng clemency.