-- Advertisements --

NAGA CITY – Mahigit 2,000 katao ang nananatili sa mga evacuation centers sa Naga City dahil sa Bagyong Ambo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Allen Reondanga, chief of Office ng City Events Protocols and Public Information Office, sinabi nitong ang naturang bilang ang mula sa iba’t ibang lugar sa lungsod na nasa high risk areas.

Ayon kay Reondanga, dahil hindi naman gaanong naging malakas ang pag-uulan, kung kaya wala namang nailang mga pagbaha sa lungsod.

Ngunit halos nasa 90% aniya ng mga lugar sa Naga ang nawalan ng suplay ng kuryente.

Sa ngayon, bagamat lumagpas na sa Bicol ang bagyo patuloy pa ring binabantayan ang lebel ng tubig sa Naga River na puwedeng magdala ng mga pagbaha sa iba’t ibang lugar sakaling umapaw.