-- Advertisements --

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) Port of Limay ang mahigit 2,000 metriko tonelada ng bigas sa isang barkong naka-istasyon sa Orion Dockyard sa Barangay Elena, Orion, Bataan.

Ang mga naturang kontrabando ay nagkakahalaga ng P100 million.

Kasabay nito ay naaresto rin ang 18 indibidwal na pinaghihinalaang mga smugglers na nagmamando sa naturang barko at nadatnang nagbababa sa mga kontrabando mula sa kinalululanang barko.

Nang siyasatin pa ng mga Customs authorities, natuklasan nila mula sa mga dokumentong ipinakita ng mga ito na una nilang idineklara bilang agricultural products ang mga bigas.

Nakalagay sa mga dokumento na ito ay 1,700 metriko tonelada ng mga agricultural products.

Desidido naman ang BOC na magsasampa ito ng kaso laban may-ari ng barko, kasama na ang mga crew. Kinabibilangan ito ng large-scale agriculture smuggling at paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.