-- Advertisements --
image 680

Mahigit 2,000 tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ipapakalat sa mga pangunahing lansangan at mga hub ng transportasyon sa Semana Santa.

Ayon kay MMDA spokesperson Mel Carunungan, may kabuuang bilang na 2,104 na mga personnel ang magmomonitor ng mga major roads sa Metro Manila.

Partikular na sa mga lugar na malapit sa mga bus terminals, airports at seaports.

Sinabi ni Carunungan na ipinag-utos ni MMDA acting chairperson Romando Artes na hindi papayagang mag-day off o lumiban ang kanilang mga tauhan sa darating na April 5, 6, 7, at 10.

Dagdag pa niya na ng skeleton staff ay naka-duty mula April 7 hanggang 9.

Isang multi-agency command center naman ang itatayo at magsisimulang subaybayan ang sitwasyon sa mga pangunahing transport hub sa April 3.

Ang sentro ay bubuuin ng MMDA, Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, at Philippine National Police.

Nauna nang inanunsyo ng MMDA na sususpindihin ang number-coding scheme sa National Capital Region (NCR) mula Abril 6 hanggang 10 na idineklara bilang holidays.