-- Advertisements --

Daan-daang libong mga raliyesta ang nagsagawa ng protesta sa iba’t ibang lungsod sa Chile.

Nanawagan ang mga ito sa kanilang gobyerno na taasan ang kanilang minimum wage, gawing mas abot-kaya ang presyo ng mga gamot, at pati na rin ang pagbago sa kanilang konstitusyon.

Sa tala, mahigit 100 unyon at mga grupo ang nagwelga at nagmartsa na kumakatawan sa mga guro, mag-aaral, doktor, minero, at iba’t iba pang sektor ng lipunan.

Ang protesta sa Santiago, Chile ay dinaluhan ng halos 80,000 katao.

Sa isa pang datos, hindi rin bababa sa 100,000 mga raliyesta ang nagsagawa ng rally sa Concepcion City at 50,000 rin ang nagwelga sa southern port city ng Puerto Montt.

Ipinangako ni Pangulong Sebastian Pinera na sila ay nagsasagawa ng plano upang baguhin ang kanilang saligang batas.

Ang mga protestang nagaganap sa Chile ay isa sa mga sanhi ng pagbaba ng ekonomiya ng bansa na kung saan ay bumaba ang halaga ng kanilang Chilean peso sa tatlong porsyento ngayong araw.

Ang pinakamababang halaga nito magmula noong 1990.