-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Department of Social Welfare and Development Secretary na nasa 200,000 persons with disabilities (PWDs) ang nabayaran sa ilalim ng cash-for-work program ng DSWD na tinatawag na “BUHAYnihan.”
Layunin ng programa na matulungan ang mga persons with disabilities (PWDs) , lalo na sa kanilang pangangalaga.
Napag-alaman na iba-iba ang halaga na tinatanggap ng mga persons with disabilities (PWDs) depende sa araw.
Kung may iba na tatlong araw pinagtrabaho ay tumanggap ng P3,300, yung iba naman ay inabot ng P4,000, kaya hindi pare-pareho ang paggawa.
Ipinaliwanag ng kagawaran na ang konsepto ng BUHAYnihan ay mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.