-- Advertisements --
Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw na mahigit 51,500 indibdiwal ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers dahil sa pananalasa ng nagdaang bagyong Egay, Falcon at Habagat.
Base sa situation report na inilabas ng NDRRMC nitong umaga ng Agosto 5, nasa 648 evacuation hubs mula sa Regions 1, 2, 3, and 6, Calabarzon, at Mimaropa ang nagsisilbing temporary shelters ng nasa 51,593 na inilikas na mga residente na nadisplace.
Ang kabuuang bilang ng na-displace na indibidwal dahil sa mga nagdaang bagyo at habagat ay nasa 285, 202 na nitong araw ng Sabado.
Nasa 2 naman mula sa 29 na napaulat na nasawi dahil sa mga bagyo at habagat ay na-validate na ng NDRRMC.