Aabot sa mahigit 200,000 trabaho ang nagbukas na trabaho para sa mga Pilipino dahil sa official foreign trips ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa huling quarter ng 2022 hanggang 2023 ayon sa Department of Trade and industry.
Base sa data ng ahensiya, nasa 7,100 trabaho ang na-generate mula sa pagbiyahe ni PBBM sa Indonesia noong 2022, 14,932 trabaho mula sa Singapore at 98,000 trabaho mula sa New york.
Nasa 5,500 trabaho din ang inialok mula sa pagbisita ng Pangulo sa thailand, 6,480 trabaho mula sa Belgium at 730 trabaho mula sa the netherlands.
Ngayong 2023, ayon sa DTI, nasa 32,722 trabaho ang nagbukas sa pagbisita ni PBBM sa China, 24,000 trabaho mula sa Japan, 6,386 mula sa Washington, DC at 8,365 trabaho mula sa Malaysia.
Ang biyahe din ng Pangulo sa Singapore ay nag-ambag ng 450 trabaho, 2550 trabaho mula sa US at 15,750 trabaho mula sa Japan.
Una ng iniulat ng DTI na nasa P4.019 trillion ang na-consolidate at naprosesong investment mula sa foreign trips ng Pangulo.