Napigilan ng pamahalaan ang nasa mahigit 20,000 pagtatangka na i-hack ang automated system bago at sa kasagsagan ng May 2022 national at local elections sa bansa ayon kay national security adviser Hermogenes Esperon Jr.
Pinapurihan ni Esperon ang Commission on Elections (Comelec) at ang mga ahensiya na nagbigay ng seguridad para sa halalan kabilang ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ayon pa sa Security adviser na libu-libong attempts para ihack ang sistema subalit hindi aniya nagtagumpay ang mga ito sa kanilang hacking attempts.
Inihayag din ni Esperon na ang isinagawang May 9 election ay fair at honest at generally naging maayos.
Bukod dito, naging efficient din aniya ang sistema sa automated election system at naging napakabilis ang transmission at paglalabas ng resulta ng local elections.
Nilinaw din ni Esperon na maliit na porsyento lamang o wala pa sa 1% sa kabuuang bilang ng VCMs na nagkaroon ng aberya na ginamit sa kasagsagan ng political exercise.