-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Abot na sa target na 48,847 na mga eligible priority groups A1-A3 ang nakakumpleto na ng kanilang bakuna sa Kidapawan City.

Katumbas ito ng 45.47% ng bilang ng eligible vaccinees o vaccination coverage for roll out ng Department of Health o DOH12 ang nasabing bilang.

Ayon pa sa City Health Office mula buwan ng Abril 2021 hanggang Setyembre 16, 2021 ang datos na iniulat ng CHO sa nakaraang Strategic Communication and Demand Generation Meeting for Covid-19 Vaccination Campaign for Stakeholders of Priority Eligible Group A1 to A5 na ginanap sa Kidapawan City.

Kung pag-iisahin, ang bilang ay kinapapalooban ng mga sumusunod: Priority A1 o mga Health workers at medical frontliners ( 3,878), Priority A2 o mga Senior Citizens (7,194) at Priority A.3 o mga adults with co-morbidities (11,139).

40,735 naman ng doses ng Covid19 vaccines ang naiturok sa mga naka-kumpleto na ng kanilang bakuna.

26,600 ang first dose samantalang 14,135 naman ang nakatanggap na ng second dose.

Nagpapatuloy naman ang pagbibigay pa ng bakuna sa mga nasa ilalim ng A1, A2 at A3 eligible priority groups, ayon pa sa CHO.

Kaugnay nito simula ngayong buwan ng Setyembre ay dahan-dahan na ring sinisimulan ng CHO ang pagbabakuna ng mga napapabilang sa eligible Priority group A.4 na mga essential and economic frontliners.

Sila ay ang mga Economic Workers na kinabibilangan ng mga nagtitinda sa mga essential establishments at mga tricycle at public utility drivers na pinahihintulutang mag-operate ng pamahalaan sa panahon ng General Community Quarantine Status o GCQ.

Pinapayuhan naman ng City Government ang lahat na magpalista at antayin ang kanilang schedule ng bakuna.