-- Advertisements --

Inatasan ng gobyerno ng Vietnam na sumailalim sa coronavirus testing ang mahigit 21,000 na residente ng Hanoi.

Ito ay para mapigil ang pagkalat ng virus.

Nagkaroon kasi ng unang outbreak sa bansa matapos ang tatlong buwang walang naitalang kaso ng COVID-19.

Noong nakaraang mga araw kasi ay isang lalaki na mula sa lungsod ng Danang ang nagpositibo sa COVID-19 na siyang unang kasong naitala mula ng mapigil ang pakalat noong Abril.

Umabot rin aniya sa 40 na mga bagong infections ang naitala na kumalat sa sikat na tourist destination sa Danang at katabing probinsiya.

Ayon kay deputy health director Khong Minh Tuan na dapat aktibong makipag-ugnayan sa kanila ang mga tao para tuluyan ng mabantayan ang pagkalat ng virus.