Tumaas pa ang lawak ng mga palayan na inaasahang maaapektuhan sa pananalasa ng bagyong Julian sa northern Luzon.
Batay sa datus ng Philippine Rise Information System (PRISM), maaaring maapektuhan ang kabuuang 218,425 ektarya ng mga palayan sa hilagang Luzon dahil sa malalakas na paghangin at mabibigat na pag-ulan.
Mula sa mahigit 108,000 ektarya na tinataya kahapon, itinaas pa ito ng PRISM sa 218,425 ektarya matapos ang walang tigil na pag-ulan.
Malaking bulto nito ay mula sa Cagayan Valley, Ilocos Region, at Cordillera Administrative Region.
Ilang mga palayan din sa Central Luzon ang inaasahang maapektuhan, kabilang na ang mga palayan sa Pampanga at Bulacan.
Bago ang pananalasa ng bagyong Julian, nakapag-ani na ang mga magsasaka ng hanggang 137,753 ektarya ng mga palayan habang mahigit 131,000 ektarya ng mga palayan ay nasa ripening stage o malapit nang maani.
Kabuuang 86,786 ektarya ng mga palayan ay kasalukuyang nasa reproductive stage.