-- Advertisements --
Nasa mahigit 22,000 katao na karamihan ay mga kabataan ang nawawala dahil sa resulta ng Boko Haram insurgency sa northeast Nigeria.
Ito ay base sa tala ng Red Cross, na nagsimula ang kaguluhan noong 2009 at ikinasawi ng mahigit 27,000 katao ang nawala at lumikas.
Mayroon din mahigit dalawang milyon ang lumipat ng ibang bansa.
Ayon kay ICRC President Peter Maurer, na 60 porsyento sa nasabing bilang ay mga bata kung saan hindi alam ng mga magulan nila kung ang mga ito ay buhay pa.
Nalaman na lamang ito ni Maurer sa ginawa nitong pagbisita sa lugar kung saan nakausap niya si Nigerian President Muhammadu Buhari, senior government officials, civil society at business leaders.
Nakausap din nito ang mga kaanak ng mga nawawalang bata.