-- Advertisements --
SCHOOL evacuation

Mahigit 220,000 ang mga inilikas dahil sa bagyong Tisoy

Pumalo nasa maahigit 225,000 katao ang bilang ng mga inilikas dahil sa bagyong Tisoy.

Karamihan dito ay mula sa Bicol region, Calabarzon at Mimaropa.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal na wala pa namang natatanggap na ulat ang NDRRMC operation center kung may nasawi sa pananalasa ng bagyo.

Pero umaasa ang NDRRMC na walang maitalang casualties.

Sinabi ni Timbal na sa ngayon ang pinakamalala aniyang tinamaan ng bagyong Tisoy ay ang Legaspi airport sa Albay kung saan may mga bumagsak na mga istruktura.

Sa Metro Manila, nagpatupad na rin ng evacuation ang pamahalaang lokal ng Manila at Quezon City.