-- Advertisements --

Pinalaya ng bagong namumuno sa bansang Myanmar ang mahigiti 23,000 mga preso.

Sinabi ni General Min Aung Hlang na ang pagpapalaya sa 23,314 na mga preso ay nabigyan ng amnestiya.

Isinabay nila ang pagpapalaya sa mga ito sa pagdiriwang ng bansa ng Union Day na isang national public holiday.

HIndi naman nito binanggit kung anong mga kasong kinakaharap ng mga pinalayang preso.

Ito ang unang pagkakataon na palayain ng bagong namumuno ng Myanmar matapos na kunin nila ang kapangyarihan noong Pebrero 1 at inaresto ang lider nila na si Aung San Suu Kyi at ilang opisyal ng gobyerno.