Tumanggap ng tulong ang nasa kabuuang 232 na combatants ng Moro National Liberation Front mula sa Marawi City.
Ayon sa DSWD, ang bawat cmandirigma ay tumanggap ng tig-P45,000.
Maaari namang magamit ng mga ito ang naturang tulong pinansyal para masimulan ang kanilang livelihood o kabuhayan sa ilalim ng Bangsamoro Transitory Cash Assistance.
Ayon pa sa ahensiya, sumailalim muna ang mga ito sa mahigpit na verification at profiling, bago tuluyang na-kwalipika sa naturang programa.
Tinitiyak naman ng ahensiya na magpapatuloy pa rin ang pagsubaybay nito sa buhay at kabuhayan ng mga benepisyaryo, hanggang sa matiyak ang pag-unlad ng kanilang buhay.
Samantala, humigit 250 na combatants pa mula sa MNLF ang nakatakda ring susunod na makatanggap ng cash assistance sa ilalim pa rin ng Bangsamoro Transitory Cash Assistance.