Mahigit 24 milyong SIM na ang nairehistro sa kasalukuyan ayon sa mga nakalap na datos ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ayon naman sa pahayag ng National Telecommunications Commission, ang 24.1million na SIM ay kumakatawan sa 14.27 porsiyento ng 168.9 milyong subscribers sa buong bansa.
Sinabi ng Department of Information and Communications Technology o DICT na ang pagpaparehistro ng SIM sa malalayong lugar ay magsisimula na ngayong linggo simula January 25 hanggang January 27.
Dagdag dito, mas mabilis na umano ang website kung saan magpaparehistro kumpara sa mga unang linggo ng pagsasagawa ng naturang SIM registration.
Sa ngayon, mahigpit pa ding nagpapaalala ang National Telecommunications Commission at Department of Information and Communications Technology na magparehistro na upang maiwasan ang pagka-deactivate ng ginagamit na SIM card.