-- Advertisements --
LAOAG CITY – Nilamon ng malawakang pagkasunog ang mahigit 240 na ektaryang lupain sa Paia Area, Maui, Hawaii.
Base sa report ni Bombo international correspondent Manny Pascua sa Hawaii, nilisan ng mga resdidente na malapit 243 na ektaryang lupain na kasalukuyang nasusunog.
Sinabi ni Pascua na batay sa report ng mga rescuers, walang naitalang nasugatan na residente at walang nasunog na building sa lugar.
Samantala ay isinara ng Maui County ang ilang daanan sa Paia Area dahil sa wlidfire at makapal na usok.
Sa ngayon a inaalam pa ng Maui Fire Department kung saan nagmula ang sunog.