-- Advertisements --
Mahigit 240 pasahero ng luxury Queen Mary 2 cruise ship ang dinapuan ng nakakahawang norovirus stomach bug .
Ayon sa US Center for Disease Control and Protection (CDC) naiulat lamang ang nasabing kaso ng malapit ng matapos ang apat na linggong paglalayag ng Cunard cruise liner mula UK patungong Caribbean.
Nagsimulang maglayag ang barkko noong Marso 8 mula sa Southampton at nakatakda sana itong babalik sa English port ng Abril 6.
Sa kabuuang 2,538 na pasahero ay mayroong 224 ang nagkasakit ng gastrointestinal virus , 17 sa 1,232 na crew members ang nakaramdam ng sakit.
Una ng sinabi ni Infectious disease expert Dr. William Schaffner, na ang norovirus ay kilala minsan bilang cruise ship virus dahil ito ay kumakalat sa magkakalapit na pasahero.