-- Advertisements --

Idineklarang cleared na mula sa iligal na droga ang nasa mahigit 24,000 barangay sa buong bansa mula ng ilunsad ang war-on drugs campaign ng Duterte administration noong 2016.

base sa latest Real numbers data na inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nasa kabuuang 24,379 mula sa 42,045 barangays ang naideklarang drug-cleared habang nasa 6,606 barangayas namana ang drug-free barangays at 11,060 barangay ang nagpapatuloy ang kampaniya para maging drug cleared as of February 2022.

Ang mga barangay na idineklarang drug-cleared ay nakatanggap ng certification mula sa miyembro ng committee on barangay drug-clearing program.

Nasa kabuuang P76,01 billion ang halaga ng nakumpiskang narcotics ng mag awtoridad sa buong bansa.

Sa consolidated report, nasa 6,235 drug suspects ang napatay sa isinagawang mahigit 200,000 anti-illegal drug operations.