Nasa 66,540 pamilya o 244,824 katao ang apektado sa limang rehiyon dahil sa epekto ng habagat at Tropical Depression Dodong, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa pinakahuling bulletin nito, sinabi ng ahensya na ang bilang na ito ay mas mataas kaysa sa 24,008 pamilya sa update nito noong Hulyo 19.
Ang mga apektadong pamilya ay nasa 284 barangay sa Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Western Visayas, dagdag pa nito.
Sa mga apektadong pamilya, 548 pamilya lamang hanggang 2,016 indibidwal ang natutulungan sa 47 evacuation centers habang 23,591 pamilya o 91,734 katao ang tinutulungan sa labas na piniling hindi manatili sa loob ng ga evacuation centers.
Sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) na ang mga apektadong pamilya ay ang mga lumikas at ang mga hindi nangangailangan ng paglipat o pagpapaalikas mula sa kanilang tirahan.
Sinabi rin ng NDRRMC na ang mga ulat ng dalawang pagkamatay sa Calabarzon dahil umano sa pagguho ng lupa ay sinusuri na.
Nasa 153 kabahayan din ang nasira dahil sa masamang panahon sa Ilocos Region, Calabarzon, Mimaropa, at Western Visayas.