Mahigit 25 milyon na mga Filipinos ang nakapagrehistro na ng Philippine Identification System o PhiSys.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ito ang nasabing bilang mula ng ilunsad ang pagpaparehistro para sa national ID noong Oktubre 2020.
Nitong Marso lamang ay mayroon ng karagdagang 15,083,353 ang nakapag-kumpleto na ng step 1 registration mula ng pinalawig ito sa mga probinsiya.
Ibinase ang bilang sa mga mano-manong pagbibilang mula sa PSA Field Offices na sumasakop sa 81 probinsiya at lahat ng lugar sa National Capital Region (NCR).
Ang Step 1 process ay kinabibilangang ng validation ng mga supporting documents at ang pagkuha ng biometrics information gaya ng fingerprints, iris scans at front-facing photographs sa mga registration centers.
Tiwala naman si PSA Undersecretary Dennis S. Mapa, ang national statisttician at civil registrar general na makakamit nila ang target nila sa 2021.
Nagsagawa na sila ng ilang pagbabago para matiyak ang kaligtasan ng mga registrant ngayong panahon ng pandemic.