Mahigit 250 Pilipino sa Ukraine ang nakauwi na sa bansa ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sinabi ni DFA Undersecretary Sarah Lou Arriola na may kabuuang 259 na mga Pilipino ang nakaalis na sa Ukraine.
Sa nasabing bilang, 90 Pilipino ang repatriated habang 169 na mga mamamayan ay nasa iba’t ibang safe borders na malapit sa Ukraine.
Dagdag pa nito na sa 169 na Pilipinong lumikas mula sa bansang sinalanta ng digmaan, 60 indibidwal ang inaasahang darating sa Maynila sa Huwebes.
Samantala, sa 90 Pilipino, na nakauwi 55 dito ay mga marino.
Inaasahan ng Foreign Affairs department na mas maraming seafarer ang darating sa bansa sa mga susunod na araw sa pamamagitan ng evacuation at repatriation programs nito.
Ibinunyag ni Arriola a nahihirapan silang ilikas ang mga seafarer, partikular ang mga stranded sa Black Sea.