-- Advertisements --

Aabot sa mahigit 250 New People’s Army (NPA) rebels ang sumuko sa unang quarter ng ksalukuyang taon.

Karamihan sa mga sumuko ay mula sa Eastern Mindanano.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines public affairs office chief Col. Jorry Baclor, nasa 114 NPA rebels ang nagbalik loob sa pamahalaan mula sa Eastern Mindanao, 58 mula sa western Mindanao, 37 mula sa Southern Luzon, 36 sa Visayas, 20 sa Northern Luzon at isa mula sa Palawan.

Kamakailan lamang sumuko ang isang nagngangalang Maximo Catarata na kalihim ng Guerilla Front 3 sa Davao del Norte noong Marso 31 na nagresulta sa pagkakabuwag ng naturang unit ng NPA.

Nakapagtala din ang awtoridad ng 37 NPA na napatay habang nasa 29 naman ang naaresto sa kanilang isinagawang operasyon sa buong bansa.

Isa sa mga napatay ang most wanted rebels na si Menardo Villanueva na commander ng national operations command ng NPA at long-time secretary ng National Dsemocratic Front Southern Mindanao Regional Committee.

Nagsilbi din itong pinuno ng CPP Mindanao Commission at Political Bureau Chief ng CPP central committee.

Itinuturing ang CPP-NPA bilang terrorist organization hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang mga bansa gaya ng United States, the European Union, the United Kingdom, Australia, Canada at New Zealand.