Bahagyang ibinaba ng Philippine Rice Information System ang pagtaya nitong lawak ng mga palayang maapektuhan sa pananalasa ng bagyong Carina at pinalakas na Habagat.
Sa kasalukuyan ay nasa 261,674 ektarya ng mga palayan na lamang ang posibleng apektado, kasunod na rin ng tuluyang paghina at paglisan ng bagyo, habang bahagya na ring humupa ang mga pag-ulan.
Kahapon ay mahigit 421,000 na ektarya ng mga palayan ang tinatayang maapektuhang standing rice crops ngunit bumaba na ito ng halos kalahati o 50%.
Mula sa mahigit 260,000 na ektarya ng palayan, 26,821 ektarya ang nananatiling nasa vegetative stage.
Kabuuang 228,188 ektarya naman ang nasa reproductive stage habang mahigit 6,665 na ektarya ng mga palayan naman ang nasa ilalim na ng ripening stage.
Una na ring naani ang hanggang 73 ha bago pa man manalasa ang dalawang nabanggit na kalamidad.