Mahigit 26,000 dating mga mandirigma ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang na-decommission mula noong 2014, ayon kay Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr.
Sinabi ni Galvez na may kabuuang 26,132 MILF fighters, gayundin ang 4,625 ng kanilang mga armas, ang sumailalim sa proseso ng decommissioning.
Ang bawat dating MILF fighter ay tumanggap ng P100,000 upang tulungan sila sa kanilang paglipat sa mapayapa at produktibong buhay sibilyan.
Matatandaang sinabi ni Galvez na target ng gobyerno na ma-decommission ang 7,000 baril ngayong taon, at 7,000 pa sa 2025.
Ang proseso ng decommissioning, na pinangangasiwaan ng International Decommissioning Body na pinamumunuan ng dayuhan, ay bahagi ng kasunduan sa kapayapaan na nilagdaan ng MILF sa gobyerno noong Marso 2014.
Dahil sa kasunduan sa kapayapaan sa MILF, itinatag ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa pamamagitan ng Bangsamoro Organic Law, na naging epektibo noong Agosto 2018.
Noong 2023, sinabi ni Galvez na ang proseso ng disarming ng mga miyembro ng MILF ay matatapos bago ang unang halalan ng gobyerno ng BARRM sa 2025.