-- Advertisements --
residents rescue floods valenzuela

Inilikas patungong mga evacuation centers ang mahigit 2,700 na mga indibidwal sa Valenzuela City dahil sa pananalasa ng bagyong Ulysses.

Sinabi ni Dr. Arnaldo Antonio, head ng Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office, ang naturang bilang ay angmula sa halos 20 mga barangays sa lungsod.

Aniya, ginawa ng ilang mga residente nila ito dahil sa pagtaas ng tubig sa Tullahan river at mga creeks sa lungsod dahil sa tuloy-tuloy na pag ulan at dulot na rin ng hightide.

Naunang nagsagawa ng forced evacuation ang lokal na pamahalaan kaninang madaling araw sa Brgy. Marulas at Veinte Reales na mga flood prone barangays.

Samantala, bilang proteksyon naman sa COVID-19 ay imbes na limang pamilya ang tutuloy sa isang classroom ay nasa 2-3 tatlo lamang na pamilya ang dapat laman ng bawat silid.

Naglagay din ng modular tents sa loob ng mga classroom at namigay ng face masks sa mga evacuees upang maipatupad pa rin ang physical distancing at iba pang health protocols laban sa virus.