-- Advertisements --

Nasa mahigit 28,000 na mga kababaihan sa Saudi Arabia ang nag-apply para maging driver ng train.

Ayon sa Spanish rail company na Renfe, matapos ang kanilang anunsiyo na nangangailangan sila ng nasa 30 babaeng train drivers ay laking gulat nila na umabot sa mahigit 28,000 ang nagsumite ng kanilang application letter.

Ang mapalad na mapipili ay magmamaneho ng high-speed train mula sa holy cities ng Mecca at Medina matapos ang isang taon na pagsasanay.

Magugunitang iniatas ni Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman ang pagpayag sa mga kababaihan na magmaneho ng mga sasakyan at magtrabaho.