Idineklarang drug-free na ang kabuuang 28,330 barangay sa buong bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa datos na inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nasa 84,291 suspek ang naaresto at P32.44 billion ang halaga ng iligal na droga na nakumpiska ng law enforcers.
Mayroon namang 7,181 pa na barangay ang nananatiling apektado ng kalakalan ng iligal na droga.
Ang mga suspek ay nahuli sa ikinasang 61,800 operasyon kontra iligal na droga mula Hulyo 1, 2022 hanggang Pebrero 29, 2024.
Sa mga naarestong suspek, 5,691 dito ang high-value targets na sangkot sa illegal drug trade.
Ang mga nakumpiskang iligal na droga ay shabu, cocaine, at marijuana at nakumpiska ang mahigit 54,000 piraso ng party drug na Ecstacy.
Aabot naman sa 726 drug dens at clandestine laboratory ang naipasara.