-- Advertisements --
BOMBO AKLAN
Bombo Kalibo / Bombo Medico

KALIBO, Aklan— Nasa 2,247 ang kabuuang bilang ng mga kapus-palad nating kababayan mula sa 17 bayan sa lalawigan ng Aklan ang panibagong natulungan at nabigyan ng libreng serbisyo medikal, dental, optikal at iba pa kasunod ng taunang Bombo Medico ng Bombo Radyo Philippines na ginanap sa ABL Sports and Cultural Complex sa Capitol Site sa bayan ng Kalibo.

Sa naturang bilang, 312 ang naka-avail ng dental services; 275 ang sa optikal; 1,185 ang nabigyan ng serbisyong medikal; habang 475 naman ang nakatanggap ng libreng serbisyo gaya ng haircut, manicure, pedicure at massage.

Maliban dito, mahigit sa P900,000 ang kabuuang halaga ng gamot at iba pang health products ang ibinigay sa mga indigent patients.

Kaugnay nito, lubos ang kanilang pasasalamat dahil may isang media entity sa Pilipinas na nagmamalasakit sa kanilang kapus-palad at nabigyang lunas ang kanilang karamdaman

Una rito, hindi matawaran ang tuwa na naramdaman ng pitong benepisyaryo matapos mapasakamay ang bagong wheelchairs lalo na at nahirapan ang mga ito gumalaw at bumiyahe dahil sa kanilang kapansanan.