-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Nasa 2,250 na mga dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang na-decommission sa ilalim ng 3rd phase of the decommissioning process.
Target ng gobyeno at MILF na ma-decommission ang may 8,750 na mga mandirigmang MILF.
Sa ilalim ng kasunduan, ang bawat na-decomission na MILF member ay tumanggap ng P80,000 na Bangsamoro Transitory Family Support Package at P20,000 na Livelihood Settlement Grant.
Ang 3rd phase decommissioning process ay magpapatuloy sa first quarter ng 2022.