-- Advertisements --

Pinangunahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagpapakawala ng 2,150 Olive Ridley Sea turtle sa Sitio Wawa, Barangay Pag-asa, Bagac, Bataan.

Ayon sa Coast Guard Sub-Station Bagac (CGSS) Bataan, ang kanilang pinagsamang pagsisikap ay nagtitiyak na ang mga hatchlings na ito ay ligtas na pinakawalan sa baybayin.

Isang mahalagang proseso umano ito na tumutulong sa mga pagong upang ma-navigate pabalik kapag handa na silang mangitlog.

Ang PCG, alinsunod sa kanilang mandato na protektahan ang buhay sa dagat, ay patuloy na sumusuporta sa mga pagsusumikap na ito sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga environmental laws at pagpapalawak ng kamalayan tungkol sa proteksyon ng dagat.

Ang mga kinatawan mula sa Municipal Administrator ng Bagac, Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Bagac, Bagac Tourism at Pag-asa Pawikan Protection and Conservation Center ay naroroon din sa nasabing aktibidad bilang katuwang ng PCG.