Nakapagtala ang Department of Tourism (DOT) ng mahigit 2 million banyagang bumisita sa Pilipinas ngayong Abril.
Ayon sa ahensiya, mahigit 94% ang banyagang turista ng kabuuang bilang habang 5% naman ang overseas Filipinos.
Ang naitalang bilang ng international visitors ngayong buwan ay mas mataas kumpara sa naitala para sa parehong period noong nakalipas na taon na nasa 1.7 million.
Ang 10 nangungunang bansa na nakaambag sa inbound visitor arrivals sa bansa base sa data ng DOT ay ang South Korea, USA, China, Japan, Australia, Canada, Taiwan, UK, Singapore at Germany.
Samantala ngayong taon target ng DOT na makapagtala ng 7.7 million international visitors, halos kapareho sa naitalang tinatayang 8.26 million inbound visitor arrivals noong 2019 bago tumama ang pandemiya sa bansa.