-- Advertisements --
Maghahatid ng mahigit dalawang milyong halaga ng mga relief goods ang pamunuan ng PHilippine National Police sa mga komyunidad sa Northern Luzon na apektado ng Nagdaang Supertyphoon Egay.
Kinabibilangan ito ng mga bigas, canned goods, tubig at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga evacuees.
Ihahatid mismo ng Pulisya ang nasabing tulong, kasama ang 186 members ng PNP Reserve Forces. Ito ay resulta ng pondong nalikom ng Pambansang Pulisya para sa mga biktima ng kalamidad.
Ang nasabing tulong ay hahati-hatiin sa Region 1, Region 2, at CAR.
Pinangunahan naman ni PNP Directorate for Police Community Relations Director PMajGen. Edgar Okubo ang send off ceremony ngayong araw sa mga miyembro ng Pulisya na maghahatid sa mga nasabing tulong.