Umabot sa 3. 5 milyong mga trabaho ang naibigay ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga Pilipino ngayong 2023 sa ilalim ng Tulong Pangkabuhayan sa ating mga Disadvantage (TUPAD) Workers program.
Ito ay malayong mas malaki kumpara sa bilang ng mga benepisyaryo noong nakalipas na taon.
Nangako naman si Labor Secretary Bienvenido Laguesma na mas maraming trabaho pa ang kanilang bubuksan sa susunod na taon, hindi lamang sa ilalim ng TUPAD program kundi para sa kabuuang workforce ng bansa.
Kabilang na dito aniya ang maraming mga trabaho na bunga ng mga nakuhang investment ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang mga biyahe sa iba’t ibang bansa, pinakahuli dito ang Japan.
Inihalimbawa naman ng kalihim ang mga magbubukas na trabaho sa susunod na buwan, dala ng inaasahang pagbubukas ng maraming mga kumpanya.
Kinabibilangan ito ng energy sector, information and technology sector, manufacturing, agriculture at industrial sector.
Ayon sa kalihim, patuloy itong maghahatid ng trabaho sa mga mamamayan upang makatulong na maiangat ang kalidad ng buhay ng bawat Pilipino.