Inilikas ng mga personnel ng Philippine Coast Guard ang aabot sa 3,773 residente sa lalawigan ng Rizal kasunod ng malawakang pagbaha dulot ng hagupit ng bagyong Enteng.
Ang mga inilikas na residente ay mula sa mga bayan ng Pililla, Morong, at Cainta sa Rizal.
Abot beywang ang taas ng baha kahapon na sinuong ng mga Coast Guard personnel para maisakay sa rescue boat ang mga sinalantang residente.
Patuloy naman ang koordinasyon ng Coast Guard Station Rizal sa lokal na pamahalaan para matiyak ang kaligtasan ng publiko sa gitna ng masungit na panahon.
Aktibo ding nakikipagtulungan ang PCG Rizal at sub-stations nito para sa isinasagawang mga search and rescue operations kabilang na sa may Antipolo city kung saan 8 na ang napaulat na nasawi dahil sa mga insidente ng landslide at baha.