-- Advertisements --

Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) na nasa kabuuang 3,359 banyaga ang pinagbawalang makapasok sa Pilipinas noong 2023.

Ayon sa immigration bureau, ilang mga dayuhan ang blacklisted at pinagbawalang makapasok sa bansa dahil iniuri ang mga ito bilang undesirable aliens, sex offenders o wanted na mga pugante.

Habang ang iba naman ay bigong makakuha ng entry visas o makabili ng kanilang return tickets.

Paliwanag pa ng bureau na ganun na lamang ang bulto ng mga dayuhang hindi pinayagang makapasok sa bansa para maiwasan na maging public charges ang mga ito sakaling mang pinahintulutang manatili sila sa bansa.

Sa depinasyon ng ahensiya, ang public charge ay mga dayuhan na ang presensiya ay nagdudulot ng banta sa lipunan o pabigat sa gobyerno.

Sa datos ng BI, 1,603 dayuhan ang pinagbawalang makapasok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, 1,157 dayuhan sa NAIA 1, 211 sa NAIA 2, 187 sa Mactan-Cebu International Airport at 143 undesirable alien naman ang pinagbawalang makapasok sa Clark International Airport