-- Advertisements --

Nasa mahigit 3,800 katao mula sa mahigit 1,000 na mga pamilya mula sa iba’t-ibang mga nayon ang pansamantalang nananatili sa mga evacuation centers.

Ito ay matapos ang magbuga ng phreatomagmatic burst ang Bulkang Taal noong Sabado.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), sa ngayon ay mayroong 2,049 na mga evacuation centers sa Batangas ang nakahanda, ngunit 13 palang sa mga ito ang kasalukuyang inookupahan na.

Kabilang sa mga ito ay ang Pook Elementary School, Agoncillo Central School, Agoncillo Elementary School, Coral na Munti Elementary School, Coral na Munti High School, Balangon Elementary School, Barigon Elementary School.

Samantala, nanawagan naman ang Palasyo ng MalacaƱang sa mga residenteng nakatira sa mga lugar na malapit sa bulkang Taal na manatiling mapagmatyag at sumunod sa mga ipatutupad na tagubilin ng mga kaukulang government agencies sa gitna ng pag a-alburoto ng nasabing bulkan.

Sa isang pahayag ay sinabi ni acting presidential spokesman Secretary MArtin Andanar na mahigpit na binabantay ang sitwasyon ng ilang mga lugar malapit sa Bulkang Taal sa ilalim ng isang Executive Order.

Ipinapatupad na aniya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at iba pang regional counterparts nito, katuwang ang mga local government units, ang lahat ng mga relevant precautionary measures, kabilang na ang evacuation ng high-risk communities na malapit sa bulkan, gayundin ang mangingisda sa Taal Lake.