-- Advertisements --
Nasa 3,000 na mga residente ng etado ng Karen sa Myanmar ang lumikas patungong Thailand matapos ang isinagawang air strikes ng mga sundalo.
Inilunsad ng Myanmar military ang mga air strikes sa limang lugar sa Mutraw district malapit sa mga border na hinihinalang pinagkukutaan ng mga ethnic armed group.
Kabilang sa tinamaan ng air strike ang displacement camp ng women’s organizations.
Sa nasabing air-strike ay nasawi ang tatlong sibilyan.
Magugunitang pumirma ng kasunduan ang Karen National Union ng ceasefire agreement sa gobyerno noong 2015 subalit ito ay binalewala ng agawin ng militar ang pamumno sa Myanmar ng patalsikin nila ang lider na si Aung San Suu Kyi.