Nasa mahigit 3,000 mga informal settlers sa Quezon City ang mabibigyan na ng sariling lupain at bahay.
Kasunod ito sa ginawang pagpirma ng mga deeds of sale ng Quezon City government sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte sa mga private entities ng parcels ng lupain sa Barangay Baesa, Bagong Silangan, Payatas at Old Balara.
Aabot sa mahigit 24,285 square meter-property ang bibilihin ng QC government sa Baesa, 5,000-sqm. lot sa Old Balara, 90,675 sqm. lot sa Bagong Silangan at 19,476 sqm. sa Payatas.
Ayon sa Quezon City Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD) na mayroong 3,478 pamilya ang magbebenipisyo sa programa.
Binubuo ito ng 2,000 sa Baesa, 1,127 sa Bagong Silangan, 301 sa Payatas at 50 sa Old Balara.
Ibabahagi ang nasabing mga lupain sa mga residente sa pamamagitan ng direct sale program kung saan bibilhin ng local government ang lupain mula sa may-ari ng lupa at ang mga benipesaryo ay siyang kukuha na ng sariling titulo kapag mabayaran na ito sa local government.
Tiniyak ng alkalde na sa mabibigyan pa ang dagdag na 17,000 mahihirap na pamilya sa 2022.