Aabot na sa mahigit 3,000 mga pasahero ang stranded ngayon sa ilang mga pantalan sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas nang dahil sa banta ng Bagyong Aghon.
Batay sa inilabas na Maritime Safety Advisory ng Philippine Coast Guard, mula alas-4:00am hanggang alas-8:00am ngayong araw aabot na sa kabuuang 3,066 ang bilang ng mga pasahero truck dirversm at cargi helpers ang na-stranded sa mga pantalan.
Bukod dito ay nasa 50 barko, 5 motorbancas, at 666 rolling cargoes ang NA-stranded din, habang nasa 171 barko, at 11 motorbanca naman ang kasalukuyang sumisilong sa mga rehiyon ng Northeastern Mindanao, Bicol, Eastern Visayas, at Central Visayas nang dahil pa rin sa nasabing barko.
Matatandaan na una nang naglabas ng kautusan ang PCG na nagbabawal sa lahat ng uri ng mga sasakyang pandagat na maglayag alinsunod na rin sa ipinaiiral nitong PCG Memorandum Circular 02-13 o ang Guidelines on Movement of Vessels During Heave Weather.