NAGA CITY- Mahigit 3,000 na mga pulis ang inaasahang ideploy sa buong lungsod kaugnay ng nalalapit na mga aktibidad sa Penafrancia Festival.
Ito hinggil sa nalalapit na selebrasyon ng Penafrancia Festival at mga malalaking aktibidad na isasagawa sa syudad.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSMsgt. Tobias Bongon tagapagsalita ng Naga City Police Office (NCPO) sinabi itong mahigit 1,500 mga pulis an magmumula sa Police Regional Office 5 habang ang iba naman ay manggagaling sa Camarines Sur Police Provincial Office iba’t-ibang law enforcement agencies at mga force multipliers.
Ayon kay Bongon, sa Setyembre 10,2019 araw ng Martes inaasahan ang pagdating ng naturang augmentation forces at agad naman itong idedeploy sa ibang lugar sa Naga.
Layunin nito na mapanatili ang seguridad ng milyong mga deboto at bisita na bubuhos sa lungsod.
Ang pagdiriwang ng Penafrancia Festival ang pinakamalaking religious activities sa rehiyon bilang paggunita sa kapistahan ni Nuestra Senora de Penfarancia, ang patron ng Bicol.