-- Advertisements --
Aabot sa halos 4,000 na mga indibidwal ang naaresto sa ipinatupad na “one time bigtime.”
Nagsanib puwersa ang Department of Public Order and Safety, QC Police District, Task Force on Transport and Traffic Management, Task Force Disiplina, and Market Development and Administration Department ng lungsod sa 142 barangays.
Dinala lahat ang mga naaresto sa Quezon City Memorial Circle at doon tinikitan dahil sa paglabag na may multa na P300, P500 at P1,000 sa una, ikalawa at ikatlong offenses.
Binigyan din ng mga face masks at face shields ang mga naarestong violators.
Sinabi ni DPOS ret. Gen. Elmo San Diego na ang ginawa nilang operasyon ay para maturuan ang mga mamamayan ng lungsod at para hindi na rin kumalat ang COVID-19.